Thursday, November 13, 2008

Nasaan na ang tax namin??

Hinding-hindi ko makakalimutan ang commercial na ito "Salamat kay Pangulong Gloria dahil hindi na namin problema ang aming pagpapagamot". Not exactly those words pero same thought. Same thing with 'This is a priority project of Congressman Chervalu'. Leche!!! Di dapat pasalamatan ang mga politicians!! Galing sa mga taxpayers ang perang ginagamit nila sa kanilang mga proyekto!!! Oo, sila ang gumagawa ng paraan upang makapagpagawa ng daan, etc. etc..ngunit magkano ang perang nahuhuthot nila sa mga proyektong ito? pinasasalamatan ba nila kaming mga taxpayers? Hindi!! Kahit kelan hindi ako nakadinig ng pasasalamat galing sa kanila. Pede naman 'Salamat sa inyo kaya ako mayaman ngayon'. Pasensya sa ibang pulitiko na maaaring di kasama sa mga magnanakaw sa gobyerno. Pero karamihan sa inyo, iyon ang trabaho. Magulang dapat kayo ng mga Pilipino..at di dapat manggugulang!!!! anak ng tinapa naman oh!

Hay naku! mainit ang ulo ko ngayon dahil halos walang natira sa aking 13th month pay (wala pala talagang natira) dahil DAW sa tax adjusments. Sa mga pulitiko, pede ba ayusin nyo trabaho nyo? Paano aasenso ang Pilipinas kung puro pangungurakot ang ginagawa nyo? Di nyo masisisi ang mga Pilipinong umaalis ng bansa dahil sa tingin nila wala ng pag-asa ang Pilipinas...wala ng pag-asa dahil sa mga pulitikong katulad nyo!! Grow old..not grow up dahil wala nang pag-asang tumangkad...

Sana man lang ay napaghandaan ko ito ang kagipitang mangyayari sa akin sa mga susunod na buwan...magpapasko pa naman....

14 comments:

  1. oo nga.. kaya nakakatamad na magtrabaho dito. wala man lang project ang gov't sa mga tao nito.. di tulad sa ibang bansa. :(

    yung bang tax adjustments nag take effect senyo? yung 50K na ang less sa taxable income.. prang bumalik ulit smin e.. nadagdagan na naman tax ko. affected pala ang 13th month ng tax adjustments?

    ReplyDelete
  2. hay naku! di ko naramdaman yun. mukhang mauubos yung 13th month pay ko sa tax.wolongyo!

    ReplyDelete
  3. ganto din ang reklamo nung friend ko sa blog nya. bwisit na tax yan!

    ReplyDelete
  4. agreeeee! sobrang nakakafrustrate magalit sa government natin, kasi sila para namang see nothing, hear nothing. in the end ikaw lang ang kawawa... :(

    ReplyDelete
  5. true! laki ng tax nga! one more thing, it sucks to see those public utilities and facilities with banners like, "Through the efforts of congressman..." nantucha eh trabaho nila yun by default, eh bakit nila pagsigawan na utang na loob pa ng mga tao na nagasikaso sila ng kalye/tulay/waitingshed/ambulance etc. hahahay! ayaw nila gumawa ng bagay na more than what is expected from them. wussah!

    ReplyDelete
  6. what's going on? anong tax adjustments? sabi ng ADB walang recession daw sa Pinas in 2009, technically tumataas ang economy natin so bakit may financial issues? i'll bet may politician jan na kulang ang pambili ng chanel bag para sa anak. grrr.

    ReplyDelete
  7. though i wouldn't mind as much as i do mind now had "it" -TAX- had not been pulled out of my expected financial resource for the next two months. the government is as bad as it is, but how worse can it get? like maybe mismanagement at some level?

    still upset. the only thing that motivates me now is that i'll finish Breaking Dawn most likely later tonight, not minding how my eyebags revolted as i faced the mirror this morning... :p

    argh!!!

    ReplyDelete
  8. Give and you shall receive. Its good na nailalahad mo ang iyong saloobin.

    Pero naniniwala ka ba sa good karma?

    Kung ako sayo, penge nalang ng pera mong bawas

    Hohoho

    ReplyDelete
  9. Pag nanghingi ba ng pera sira ulo na?

    Unfair

    ReplyDelete
  10. hahaha.. truelaloo.. dont give up on our country yet.. as other country men told us before, philippines is still a very young country.. that is why our leaders are very immature about the needs of their people.. sana nga lang makatagpo tayo ng good leaders who will brught about change in our country! vote me for president! hohoho..

    ReplyDelete
  11. nice point about the "through the efforts of {insert name of politician}". hehe. nakakabadtrip nga talaga ung nangyari, tapos lalo pa ako nabadtrip nung nalaman kong kasali na pala dun sa NET AMOUNT ung 13th month pay...

    ReplyDelete