Bonding time again with Topz, Erwin and Jong at Amici, last Friday, Dec. 19,2008. Saya kasi nagkasama-sama ulet kami after ng matagal na panahon.
Next time ulet!!! :D
Ang aking kanta para sa aking 13th month pay..
Pasko na naman ngunit wala ka pa
- wala pa yung 13th month namin
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?
- di ko alam kung kailan maibibigay. wala pang definite date
Bakit ba naman kailangang lumisan pa?
- dahil sa withholding tax, parang balewala ang hinihintay na 13th month pay
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka
- sino naman ang may gusto na halos walang pera sa pasko? 13th month pay lang ang inaasahan ko...huhuhu..tas parang wala din.
Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako
- sana naman dumating na ang 13th month pay
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
- op kors! tuwing Pasko, lagi kong inaabangan ang 13th month pay
At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa din ako
- kahit natanggap ko na na parang balewala ang 13th month pa, nangangarap at umaasa pa din akong magagawan ng paraan para mabawi ang lecheng tax na yan at makuha nang malaki ang 13th month pay
Muling makita ka at makasama ka sa araw ng Pasko
- it's better to be late..than later..
Hinding-hindi ko makakalimutan ang commercial na ito "Salamat kay Pangulong Gloria dahil hindi na namin problema ang aming pagpapagamot". Not exactly those words pero same thought. Same thing with 'This is a priority project of Congressman Chervalu'. Leche!!! Di dapat pasalamatan ang mga politicians!! Galing sa mga taxpayers ang perang ginagamit nila sa kanilang mga proyekto!!! Oo, sila ang gumagawa ng paraan upang makapagpagawa ng daan, etc. etc..ngunit magkano ang perang nahuhuthot nila sa mga proyektong ito? pinasasalamatan ba nila kaming mga taxpayers? Hindi!! Kahit kelan hindi ako nakadinig ng pasasalamat galing sa kanila. Pede naman 'Salamat sa inyo kaya ako mayaman ngayon'. Pasensya sa ibang pulitiko na maaaring di kasama sa mga magnanakaw sa gobyerno. Pero karamihan sa inyo, iyon ang trabaho. Magulang dapat kayo ng mga Pilipino..at di dapat manggugulang!!!! anak ng tinapa naman oh!
Hay naku! mainit ang ulo ko ngayon dahil halos walang natira sa aking 13th month pay (wala pala talagang natira) dahil DAW sa tax adjusments. Sa mga pulitiko, pede ba ayusin nyo trabaho nyo? Paano aasenso ang Pilipinas kung puro pangungurakot ang ginagawa nyo? Di nyo masisisi ang mga Pilipinong umaalis ng bansa dahil sa tingin nila wala ng pag-asa ang Pilipinas...wala ng pag-asa dahil sa mga pulitikong katulad nyo!! Grow old..not grow up dahil wala nang pag-asang tumangkad...
Sana man lang ay napaghandaan ko ito ang kagipitang mangyayari sa akin sa mga susunod na buwan...magpapasko pa naman....
Isang araw sa Burger King, Trinoma....
Ako: Miss, isang whopper meal. Yung meal 2 for take-out.
Crew: (parang may pagtataka sa mukha nya) Hindi po yung Jr?
Ako: Hindi.
Crew: Yung meal 2 po?
Ako : Oo.
Gusto kong sabihin sa kanya 'Gutom ako eh! Baket ba?'.
oh well..nyahahaha! loser! it was nice chatting with you.next time ulet!!
para sa iyo (atin) ito:
Tumatakbo
Mojofly
Laging bigo,
Laging sawi sa pag-ibig
Minamalas, o kay sakit
May balat nga ba ako sa puwet
Mabuti pa
Ang tindera sa aming kanto
Nakakainggit, tl ang sweet nila
Ng kaniyang nobyo
Gusto ko lang
Maranasang umibig
Tamaan ni kupido
Gusto k lang
Maranasang
Tumibok muli
Ang puso ko
Chorus:
Tumatakbo ang oras
Na iiwan na ako
Ng panahon
Di na nagbago
Bawat araw pare-pareho
Parang kahapon
Tumatakbo ang oras
May birthday cake ka nga
Ngunit wala namang kandila
May christmas tree ngang malupet
Wala namang dekorasyong masasabit
Sadyang ganyan
Ang aking buhay
Walang kasing tamlay
Ayaw ko sanang tumandang
Nag-iisa...
Chorus
Tumatakbo ang oras...
Bridge:
Tatanggapin ko na ba
Ang malupit na tadhana
O kaya'y
Tatanggapin ko na ba
Na ako'y di pinagpala
Tapusin na ang drama,
Punasan na ang luha...
Yeah
Chorus2x
Tumatakbo.. tumatakbo.. naiiwan na ako..
Tumatakbo.. tumatakbo.. naiiwan na ako...
hehehe..di ako nagrereklamo kasi petiks ako..medyo proud lang ako sa sarili ko kasi di ako nagcram sa mga deadlines ko..wahahaha! ginawa ko na ang aking mga developments in advance! o ha! o ha! kaya medyo petiks ako ngayon..
pero mahirap pa din kahit papaano...labo! hehehe...
| Start: | Sep 20, '08 |
| End: | Sep 21, '08 |
| Location: | Baguio City |
dahil ako ay busy na, di na ako masyadong nakakachika, nangungulit ng kung sino-sino at makagawa ng mga walang kwentang bagay lumipas lang ang oras dito sa opis..
Habang binabasa ko yung entry ni chico garcia on The best and Rest 56 http://chicogarcia.wordpress.com/ which is about flirting, naalala ko yung matinding hirits sa akin ng ilan (di naman siguro ako ganun kapanget para walang mamflirt sa akin noh?) na sinagot ko naman:
1. Sya: Hi Miss! Matagal ka na dito sa GA? Ako nga pala si... (can't remember his name).
Ako : Okay.
2. Sya: I love you!
Ako: Talaga? I love myself, too!
3. Sya: I miss you!
Ako : Thank you!
4. Sya (1st bf ko) : Nanghihinayang ako. Sana tayo na lang ulet.
Ako : ako hindi. thankful pa nga ako eh kasi nagbreak tayo.
5. 1st ex-bf : Pwede ba kita ulet ligawan?
Ako: Di na pwede.
Sya: baket hindi na?
Ako : Ayoko eh. Kaya di na pwede.
ang yabang ko ampucha! hehehe...nashare ko lang ang aking mga nasa isip ngayong oras na ito.
"Kung hindi ka mahal ng taong mahal mo, wag kang magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang." - pampalubag loob ng isang taong bitter..wehehehehehe....
| Start: | Aug 22, '08 11:00a |
| End: | Aug 22, '08 2:00p |
Ayoko na kumain ng madami...I'll try na talaga kaunti kainin...sana kayanin ko...kasi naman itong monster sa tyan ko, ayaw makisama..laging gutom..kaunti or madami yung kainin gutom pa din..naman!!! ang gastos kaya ng malakas kumain!
Kaya ngayong dinner, ang baon ko ay..dyaran!!! almost 1 cup of rice lang!!! goodluck naman sa akin at goodluck sa may baon ng madaming rice pag bitin yung rice ko.hehehe...
Madalas natin nasasabi 'Noon ganito ganyan..blah..blah..blah. ngayon, ganito, ganyan, blah..blah..blah..'. at dahil madalas sumasagi sa isip ko ang Noon at Ngayon ng aking buhay, gusto kong ibahagi sa inyo ang aking Kahapon at ang buhay ko Ngayon..
Noon: Nakakapasok ako sa klase ng di naliligo, nakapambahay, at walang kaporma-porma.
Ngayon : Kahit walang tulog, kelangan pumasok sa ofis ng bagong paligo, maayos (maayos nga ba?) ang pananamit at mukhang mabango lagi.
Noon: Tuwing Huwebes ng gabi, ako ay nasa Flatrocks (isang bar sa LB)o kaya ISIS. There was never a Thursday night na wala ako sa gimikan or di nakikipag-inuman.
Ngayon: Sa bahay lang kahit Biyernes ng gabi, nanonood ng tv.
Noon: Pagkatapos ng exam or kahit bago mag-exam, nakikipag-inuman.
Ngayon: Pagkagaling sa opisina, uwi na sa bahay..tulog.
Noon : Kapag may 500 pesos ako para sa isang linggo, mayaman ako! nakakabili ng damit, grocery, matinong pagkain.
Ngayon: Kapag may 500 pesos ako, panigurado kelangan kong magbaon ng tuna, tapa, etc.
Noon : Nakakakain ako ng matino - sisig, gulay, chicken..kahit anong matinong pagkain - sa 25 pesos. Pag kumain ka sa Ihaw Express o yung pagkain mo ay umabot sa 40 pesos, sosyal ka na.
Ngayon: Yung 25 pesos ko, pamasahe ko lang. Ang mga estudyante sa UPLB ay nakakakain pa sa LB Square na ang pagkain ay umaabot sa 50 pesos pataas.
Noon : Nakakagala pa sa campus kahit anong oras. Walang curfew.
Ngayon: Di na daw pede maghold ng activity pag beyond 7pm?? Naman?? Tapos may curfew na pagdating ng 10pm?? Jusmio! Buti wala na ako sa UPLB! baka di ko kayanin! hehehe...
Iyan ang ilan lamang sa mga naiisip kong pangyayari..Noon at Ngayon..
I miss UPLB..see you on August 17!!!!
| Start: | Oct 25, '08 04:00a |
| End: | Oct 29, '08 3:00p |
| Location: | Cagayan de Oro, Camiguin |
yehey!! pagkatapos ng matagal na plano..march pa yata..hanggang sa...ting!!! may promo na naman ang cebu pacific!! nitext ko si co-wow philippines dreamer manay jazz na may promo ulet...ni-ym ko si lolita..tinawagan ko si amats...ni-ym si jong, medel at erwin...kinabukasan, nagbook na ng flight. Oct 25-29!!! pero di kasama si erwin at jong (not yet..sana mapag-isipan nilang mabuti) yipppeeee!!! just in time for Camiguin's Lanzones festival this October 25-28. hahahaha! adik na kung adik!! eh baket ba??
Long live WOW Philippines!!
Long live century tuna!!! (yes, tipid mode para makaipon)
Water rafting!! Ziplining!!! Lanzones festival!! Beaches!!! Falls!!! Wait for us!!! yyyiiipppeeee!!!!!
sino gusto sumama??