
Caliwantay Beach
What : A trip to Coron, Palawan Day 1
When : January 16, 2009
Who : Skywalker family - Icar (manay coron), Iya (nanay coron), Medel (nognog carin), Jong (nonoy abnoy), Brian(totoy coyon), Manu(nognog coron) and Rimber(nonoy coron aka nonoy palaboy)
Where : Coron, Palawan
Biglaan lang yung pagbook namin ng flight. Ni-ym ko lang si Iya kasi may promo ang cebu pacific. wala nang isip-isip. pagkakita sa 2k roundtrip airfare...dyaran! booking confirmed. wahahaha! adik to the highest level.
Nagsimula ang araw namin ng 5am ng Biyernes. Nagkita-kita sa GA, kumain sa Mcdo at Wendy's at nasa airport na 3 hours before ng flight. pasensya, adik ako eh. ayoko na malate at magpabook ulet at magbayad ng 2k sa rebooking. At iba na ang sistema ng cebu pacific sa NAIA 3. Ibinalik sa lumang sistema na pipilahan mo lang yung destination flight mo. Nung una kasi sa NAIA 3, isang pila sa lahat ng destinasyon. kumusta naman? kahit 2 hours ka ng andun sa airport, aabot ka pa sa last call para sa flight mo.
Anyways, kami ay nakarating sa Busuanga airport ng halos 11am. Sinundo ng van papunta sa Coron. halos 45 minutes ang byahe mula airport hanggang Coron town. Kami ay tumuloy sa Coron Village Lodge (www.coronvillagelodge.com) kung saan kami kumuha ng package (Php 6, 250 all in - the best ang food at ang tour guide.).
Pagkakain ng isang masarap na tanghalian - tanigue, tinolang manok at fruit salad, kami ay tumuloy na sa first day of tour namin - Caliwantay Beach, Twin Lagoon, Lake Barracuda, Cayangan Lake, Siete Pecados, Makinit Hotspring. Natapos ang araw sa isang simpleng kwentuhan, asaran at intriga.
Credits to Iya, Jong, Medel and Brian for the pics! :)