Wednesday, August 6, 2008

Noon at Ngayon

Madalas natin nasasabi 'Noon ganito ganyan..blah..blah..blah. ngayon, ganito, ganyan, blah..blah..blah..'. at dahil madalas sumasagi sa isip ko ang Noon at Ngayon ng aking buhay, gusto kong ibahagi sa inyo ang aking Kahapon at ang buhay ko Ngayon..

Noon: Nakakapasok ako sa klase ng di naliligo, nakapambahay, at walang kaporma-porma.

Ngayon : Kahit walang tulog, kelangan pumasok sa ofis ng bagong paligo, maayos (maayos nga ba?) ang pananamit at mukhang mabango lagi.

 

Noon: Tuwing Huwebes ng gabi, ako ay nasa Flatrocks (isang bar sa LB)o kaya ISIS. There was never a Thursday night na wala ako sa gimikan or di nakikipag-inuman.

Ngayon: Sa bahay lang kahit Biyernes ng gabi, nanonood ng tv.

 

Noon: Pagkatapos ng exam or kahit bago mag-exam, nakikipag-inuman.

Ngayon: Pagkagaling sa opisina, uwi na sa bahay..tulog.

 

Noon : Kapag may 500 pesos ako para sa isang linggo, mayaman ako! nakakabili ng damit, grocery, matinong pagkain.

Ngayon: Kapag may 500 pesos ako, panigurado kelangan kong magbaon ng tuna, tapa, etc.

 

Noon : Nakakakain ako ng matino - sisig, gulay, chicken..kahit anong matinong pagkain - sa 25 pesos. Pag kumain ka sa Ihaw Express o yung pagkain mo ay umabot sa 40 pesos, sosyal ka na.

Ngayon:  Yung 25 pesos ko, pamasahe ko lang. Ang mga estudyante sa UPLB ay nakakakain pa sa LB Square na ang pagkain ay umaabot sa 50 pesos pataas.

 

Noon : Nakakagala pa sa campus kahit anong oras. Walang curfew.

Ngayon: Di na daw pede maghold ng activity pag beyond 7pm?? Naman?? Tapos may curfew na pagdating ng 10pm?? Jusmio! Buti wala na ako sa UPLB! baka di ko kayanin! hehehe...

Iyan ang ilan lamang sa mga naiisip kong pangyayari..Noon at Ngayon..

I miss UPLB..see you on August 17!!!!

7 comments:

  1. labas tau pagbalik ko manila para hindi ka puro bahay hehehe, kamiss ka din kasama noh hehehe

    ReplyDelete
  2. Nagagawa mo yun sa 500? Grabe magastos pa pala ko noon. Ü

    ReplyDelete
  3. I therefore conclude.. Di ka na reyna ng banggera.. Reyna ka na ng tanggera hahaha oo nga ang 500 ngayon wala na.. kulang pa sa isang araw...

    ReplyDelete
  4. anong meron sa aug 17? gusto ko din balik lb...super miss ko na.hehe

    ReplyDelete
  5. 20 pesos lang kaya yung food nun? di umaabot ng 30 pesos yung meal ko.hehehe...
    @marian: wala lang. nagkayayaan lang kami nung isa kong kaibigan na mag-inom sa LB.hehehe...

    ReplyDelete